P25M alahas ni Iverson nanenok

Nanakawan ng backpack si former NBA MVP Allen Iverson na nag­lalaman ng $500,000 na halaga ng alahas nitong Miyerkoles (­Manila time).

Ayon sa balita, nanakaw ang backpack ng basketbolista sa lobby ng Sofitel Hotel sa Philadelphia ngunit naibalik rin naman ito batay sa Philadelphia Police.

Isang 21-year-old na lalaki ang nag-surrender ng kagamitan sa polisya na kinumpirma naman ni Officer Miguel Torres sa CNN.

Sa kanyang Twitter, ni-retweet ni Iverson ang statement na inilabas ng Moore Management and Entertainment.

“As of today, the je­welry that was stolen from Allen Iverson has been found and the suspect has been apprehended. Allen thanks the Philadelphia Police Department along with the people of Philadelphia for their support in this matter. Thank you.” (Janiel Abby Toralba)