Umaabot sa limang kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P25M ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang pagsakalay sa bahay ng bise-alkalde at kapatid nitong dating mayor sa Marawi City kahapon.
Nakuha ang ilegal na droga at mga drug paraphernalia na umano’y nagkakahalagang P25 milyon sa mga bahay nina Vice Mayor Arafat Salic at kay dating Mayor Fajad Salic sa Barangay Cabingan.
Ayon kay Chief Insp. William Santos ng Drug Enforcement Group, kilalang drug lord ang pamilya Salic sa Marawi City na kasama rin sa drug list na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang naaresto si Fajad Salic noon Hunyo sa kasong rebelyon dahil sa umano’y kaugnayan nito sa mga teroristang sumalakay sa Marawi City.
“Abandoned na ang mga bahay… ‘Yung bahay ay ginawang staging area ng Maute,” dagdag ni Santos.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pinanggagalingan ng suplay ng droga sa Marawi City lalo na’t kamakalawa lamang din ay nakasamsam ang mga awtoridad ng P10 milyon na ilegal na droga mula sa bahay ng dating alkalde ng Marawi na si Omar Solitario Ali.
Samantala, tumibay ayon sa Malacañang ang pagkakaugnay ng teroristang grupong Maute sa kalakalaran ng ilegal na droga sa pagkakadiskubre ng tropa ng gobyerno sa P10 milyong halaga ng shabu sa bahay ni Ali.
Kasama rin umano ang pangalan ng dating Mayor sa inisyuhan ng arrest order ng Department of National Defense (DND) na may kaugnayan sa rebelyon sa Marawi City.
ayos!!! dapat magkaroon ng parte ang mga kasundaluhan dito. tutal kung ang mang rape ay pinapayagan sila ng rapist na amo nila, bakit ba ang pagbibilhan ng droga ay hindi…he he he he he