Aabot sa P2 milyon ang halaga ng natupok sa isang bodega ng mga plasticware at appliances sa Brgy. Bula, General Santos City.

Nagsimula ang sunog alas-siyete Biyernes nang gabi sa loob ng warehouse. Mabilis na kumalat ang apoy dahilan para hindi naisalba ang mga panindang nakaimbak sa bodega.

Tinutukoy pa ng Bureau of Fire ang sanhi ng sunog. Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.