P2M shabu nakuha sa naarestong akusado sa tangkang pagpatay

Part 14

Bunga nito, kaagad na iniakyat ni Assistant City Prosecutor Cruz sa Navotas City Regional Trial Court (RTC) ang kasong frustrated murder laban kay John Rey at bumagsak ang kaso sa sala ni Judge Ronald Que Torrijos ng Navotas RTC Branch 288.

Paliwanag ng tagausig, iba ang proseso sa inquest proceedings sa paghahain ng kaso sa piskalya kung saan kailangan pang magkaroon ng preliminary investigation.

Sa inquest procee­dings aniya, arestado kaagad ang akusado dahil sa positibong pagkilala sa kanya ng biktima o nasaksihan mismo ng isang alagad ng batas ang kanyang ginawang krimen kaya’t hindi na kinakailangan pa ang preliminary investigation at puwede ng iakyat sa Regio­nal Trial Court (RTC) ang kaso para itakda kaagad ang paglilitis.

Ang pamamaraan naman aniya ng paghahain ng isang kaso sa piskalya, hindi kinakailangan na arestado ang suspek kaya’t padadalhan siya ng subpoena mara makapagbigay ng pahayag kaugnay sa demanding inihain laban sa kanya.

Ayon naman kay Col. Balasabas, hiwalay ang kasong paglabag sa Section 11 o possession of illegal drugs sa ilalim ng ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban kay John Rey na isinampa sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Isinailalim din aniya sa inquest proceeding ng tagausig si John Rey kaya’t umakyat kaagad ang naturang kaso sa Malabon City Regional Trial Court (RTC) kaya’t nakapaglabas kaagad ng commitment order ang hukuman laban sa akusad para dalhin at ipiit siya sa Malabon City Jail.

Sa panayam pa ng TUGIS sa ina ni Jay-Ar, nakatulong aniya ng malaki sa kanilang pamil­ya ang pagigimg miyembro nila ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program dahil bilang miyembro ng PhilHealth ay libre na ang dalawang ulit na operasyon sa tiyan ng kanyang anak na isinagawa ng mga doktor sa Tondo Medical Center para maalis ang nakabaong mga bala.

Gayunman, kinakilangan aniya na pagalingin muna ang sugat sa tiyan at tagiliran ni Jay-Ar bago muli siyang isailalim sa operasyon para naman sa nadurog na buto ng kanang braso sanhi ng tinamong tama ng bala.

Umaasa naman si Jay-Ar at kanyang pamilya na mabibigyan ng wastong katarungan ang kanyang sinapit sa kamay ni John Rey lalu na’t kahit may nakalaagng piyansa sa kasong frustrated murder, wala namang piyansang inilaan ang hukuman laban sa kanya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.