Part 6

Dugtong pa niya, kinatatakutan sa buong barangay ang pamilya Marasigan dahil sa lawak ng kanilang operasyon sa ilugal na droga na naging dahilan kaya’t takot ang mga residente sa lugar na isuplong ang kanilang ilegal na aktibidad.

Gayunman, nang ilunsad aniya ni dating Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang programang Text­JRT na naglalayong hikayatin ang mga mamama­yan ng lungsod na isumbong sa pamamagitan ng pagdadala ng mensahe ang anumang anomalya o iligal na aktibidad sa lungsod, unti-unting nalantad, hindi lamang ang operasyon ng iligal na droga ng pamilya Marasigan kundi maging ang ginagawa nilang bagsakan sa Market 3 sa loob ng Navotas Fish Port Complex.

Nagkaroon ng pagkakataon ang tahimik na mamamayan ng lungsod na ibahagi sa mga awtoridad ang mga iligal na aktibidad sa kanilang lugar, kabilang na ang pamamayagpag ng droga sa Market 3 at ang mga pangalan ng mga kilalang drug pusher at drug user sa lugar.

Dahil dito, sunod-sunod na ang isinagawang ope­rasyon ng Navotas City Police sa pangunguna ni da­ting City Police Chief Sr. Supt. Brent Milan Madjaco sa loob ng Market 3 ng Navotas Fish Port Complex na nagresulta sa pagkakadakip sa ilang mga kilalang drug pusher sa lugar.

Sa isa pang anti-drug operation ng mga tauhan ni Madjaco sa huling bahagi ng taong 2017 sa loob ng naturang fish port, kinalap na rin nila maging ng mga kabataang menor-de-edad sa naturang lugar na kabilang sa nagpositibo sa ginawang validation sa mga natanggap na mensahe ng TextJRT na nahuhumaling sa paggamit ng iligal na droga.

Kabilang sa mga nadakip na kabataang sangkot sa paggamit ng droga ng puwersa ng Navotas Police si Jay-Ar habang sa lugar kung saan sila naaresto ay nakuha ang ilang mga drug paraphernalia at ilang piraso ng transparent plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu.