Di umubra ang karakas ng isang lalaking drug suspect nang mabuking ang iligal nitong gawain at makumpiska ang bitbit nitong shabu na nagkakahalagang P2 milyong piso.

Nangyari ang insidente nang makorner ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BUCOR) ang suspek na si Mark Joseph Segales.

Nang berepikahin ang bitbit nitong gamit kabilang ang kalahating sako ng bigas ay dito na tumambad ang isiniksik nitong 4 na plastik medium size ng hinihinalang shabu.

Si Segales ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehenssive Dangerous Drug Act habang ang kasamahan niyang nakilala lang sa alyas Jess na mabilis na nakatakas matapos makipaghabulan sa mga awtoridad ay masusi ngayong pinaghahanap. (Eric Ocapan)