Nagdulot ng matinding trapik sa mga motorista ang karambola ng apat na sasakyan kahapon nang hapon sa Makati hanggang Quezon City.
Ayon sa twitter ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente alas-2:39 nang hapon sa Southbound lane ng EDSA-Buendia ng naturang lungsod.
Naaksidente ang apat na sasakyan na kinabibilangan ng isang P2P Bus, isang van at dalawang SUV na nauwi sa karambola ng mga ito.
Halos sinakop ng mga ito ang tatlong lane na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motoristang bumabagtas sa Southbound lane ng EDSA.
Umabot naman mula Timog hanggang Buendia ang trapik.
Hindi naman sinabi sa report kung may nasugatan sa aksidente.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang may kasalanan sa sanhi ng karambola ng apat na sasakyan.