P2P ipapalit sa mga provincial bus sa EDSA

Pinag-aaralan nga-yon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mga Point-to-Point o P2P bus ang ipalit sa mga provincial bus na tatanggalin sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nakikipag-usap na sila sa Department of Transportation (DOTr) kung maaari aniyang payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-deploy ng mga P2P bus kapalit ng mga provincial bus sa EDSA.

Nabatid kay Garcia na itatalaga ang mga P2P bus sa interim bus terminal sa Santa Rosa, Laguna at Valenzuela City para magsakay ng mga commuter na may mga dalang mala- laking bagahe, samantalang iyong wala namang gaanong bagahe ay maaaring sumakay sa mga city bus.

“Ang taxi, mahal `yan. Kaya nga, nakausap ko ang DOTr kanina, maglalagay kami ng point-to-point na kaya `yung may mga karga. Ngayon, if wala namang bagahe, sakyan mo yung city buses na pwede ka- yong ihinto sa EDSA. We will not add more buses, but we will only replace [provincial buses] with the P2P. Mababawasan ang provincial buses kasi ang ibang provincial buses ay dun na lang talaga sa interim terminals,” ayon kay Garcia.

Gayunman, sinabi pa ni Garcia na ang mga operator ng provincial bus din ang kukunin nila para sa P2P bus.

Siniguro din ng MMDA, na ang pamasahe ng mga P2P bus ay ibabatay sa fare matrix. (Armida Rico)