Isinabay mismo sa araw State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahain ng 2018 budget.
Ayon kay House Appropriations chair at Davao City Congressman Karlo Nograles, ang P3.767 trilyong proposed budget ay mataas ng 12.4% kumpara sa 2017 budget.
Sa nasabing proposed budget ay ang sektor ng edukasyon ang may pinakamataas na pondo na nasa P691 bilyon mula sa P41.7 bilyon noong 2017. Nabatid na bulto ng nasabing pondo ay ilalaan sa pagpapatayo ng classrooms, pagbili ng mga upuan at pagkuha ng 81,000 pang teaching positions.
Ipinaliwanag pa ni Nograles na ang hinihinging malaking budget ay maibibigay sa tulong na rin ng tax reform program ng Duterte administration.
“These new taxes are painful but necessary steps that President Duterte and Congress must take so that we can fulfill our covenant for national reformation with the Filipino people,” pagtatapos pa ni Nograles.