P3 rollback sa presyo ng diesel, gasolina

Nagpatupad ng malaking bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang kompanyang Phoenix Petroleum kahapon ng tanghali.

Sa advisory, bumaba ng P3.00 piso ang kada litro ng diesel at gasoline ng Phoenix Petroleum na epektibo kahapon ng alas-12:00 ng tanghali (Marso13).

Ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa pandaigdigan pamilihan.

Kadalasan tuwing Martes ng umaga ipinapatupad ang price adjustment ng mga kumpanya ng langis sa bansa. (Armida D. Rico)