P354M alok vs Pacquiao tinanggihan ni Marquez

Inalok ng $7M o katumbas ng P354M ni Top Rank big boss Bob Arum si Mexican fighter Juan Manuel Marquez para lang labanang muli si Pambansang Kamao Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

“I know that we offered him either six or seven million dollars [for the fifth fight], which was far more than he ever made for the fourth fight,” saad ni Arum kahapon World Boxing News.

Pero kahit na mataas ang alok na premyo, ‘big no’ pa rin ang sagot ng 46-anyos na boksingero.

Katwiran ni Marquez, sapat na aniya na minsan na niyang napatunayan ang kanyang tikas nang mapatumba ang Pinoy ring icon sa huling bakbakan.

“It’s a lot of money,” saad ni Marquez. “I refused in order to keep my honor and the glory of the fourth fight from 2012.

Ayon pa sa Dinamita, mas mahalaga nang ipreserba ang binulsang tagumpay via 6th round knockout kesa sa muli pa silang magharap ng fighting senator.

“The honor, pride, and what we did is more important than a fifth fight,” sambit niya

Unang nagbangasan sila ni ‘Pacman’ taong 2004 na nauwi sa draw.

Pagkalipas ng 4-taon, muli silang nagharap at hindi umubra si Marquez, natalo sa split decision.

Noong 2011 nang tangkaing rumesbak ng Mexican warrior kay Manny nalasap naman niya ang majority decision loss. (Aivan Denzel Episcope)