P4.3M marijuana siniksik sa 4 sako

Mahigit sa P4.3 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska sa dalawang taga- Caloocan City sa sinasakyan nilang van sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga noong Miyerkules.

Kinilala ng Tinglayan Police Station (TPS) ang mga suspek na sina Rich Vandamme Armoreda, 25, ng Barangay 177 at Martin Serrano, 22, ng Barangay 171, parehong nakatira sa Caloocan City.

Sa imbestigasyon, ayon sa TPS, nakatanggap umano ang Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga (PDEA-Kalinga) ng intelligence report na sina Armoreda at Serrano na lulan ng isang itim Mitsubishi Adventure ay may dala-dalang mga pinatuyong marijuana.

Dito, sa isang checkpoint, nasabat ang mga suspek at nang silipin ng mga otoridad ang laman ng van ay dito tumambad ang mga marijuana na nakabalot sa malalaking foil at transparent plastic na nakalagay sa apat na sako.

Humigit kumulang 30 kilo ng hinihinalang pinatuyong tangkay at dahon ng marijuana na nagkakahalagang mahigit P4,320.00 million at dalawang mobile phone na umanoy gamit ng mga suspek sa kanilang illegal nga transaksyon ang nakumpiska.

Binitbit ang dalawa sa TPS at anti-illegal drug act ang ikinaso sa kanila. (Allan Bergonia)