Uusad sa ikatlong round ang ‘Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby’ ngayon, araw sa 10,000-seat Roligon Mega Cockpit.

Alas-kuwatro ng ha­pon ang umpisa ng 3-cock elims ngayon.

Lumobo na sa 130 entry ang sumabak sa ‘Hatawan’ at may apat na elimination pa sa Hunyo 28, Hulyo 5, 12 at 19 (P100,000 day prize sa 3 points).

Ibibigay ang prem­yon­g P4.5 milyon sa pasabong na ito ni R­oligon CEO Dennis Ligon, may entry fee na P11,000 at minimum bet na P5,500.

Ang 2-cock finals: Hulyo 26 (1, 1.5, 2 at 2.5 points with P300,000 sa two pointers) at Agosto 2 (3 points lamang).
Para sa champion handler: P150,000 at gaffer, P75,000.

Kontakin lamang ang: (02) 519-7345; Shirley (0920-950 9090) at Tiling (0926-713 4069).