P4/kilo ng repolyo inangalan ng mga tindero

Nagrereklamo ngayon ang mga vegetable farmer ng Sto. Niño, Cagayan dahil sa sobrang baba ngayon ng presyo ng repolyo na umabot ng P4 kada kilo.

Ayon kay Barangay Palusaw chairman Edgar Balatico, sabay-sabay kasi ang pagdating ng repolyo sa Don Domingo Public Market, Tuguegarao City na binabagsakan nila ng nasabing gulay.

Sinabi ni Balatico, nagdatingan ang mga gulay mula sa Bambang, Nueva Vizcaya, Benguet, Isabela at Ilocos Region.

Dahil dito, pumalo na lang sa P4 pesos ang presyo ng repolyo na dati ay P15-17 ang farm gate price.

Bukod dito, sinabi ni Balatico na bukod sa lugi sila sa pagtatanim ng repolyo ay nasayang din ang kanilang pagod dahil sa hindi anila basta-basta ang pagtatanim nito.

Aniya, ipinamimigay nila o ipinapakain na lang sa mga alagang hayop ang hindi naibebentang mga repolyo. (Allan Bergonia)