P400K sa kampeon ng Pamaskong Handog 4

Mula sa 60 kalahok, malalaman ang kampeon ng taunang Pamaskong Handog 4-Cock Derby BOS Alex sa Las Piñas Coliseum na may 120 sultada ngayon, Dis­yembre 18.

Garantisado ang P400,000 sa kampeon, ani coliseum manager Alex Tobias na siyang host.

Ala-una nang hapon ang umpisa ng derbi na maghuhudyat din sa simula ng 2019-2020 cock season sa LPC.

Ilan sa mga kasali sina Mayor Nene Aguilar, Onie Tan, Willie Camig­la, Obet Bello, Sonny Aguilar, Jimmy Quilatan, Jojo Cabrera,Jessie Marquez, Rhoan Velez, Carlos Tumpalan, Charlie Tan, Pong San Pedro, Rudy Sayaman, Rox group, Vet Elorde, Alex Teodoro, Jojo Cabrera, Cyrus Sta. Maria, Greg Pallera, Hael Vince Pritos, PJ Mabolo, Ruel Paranque at Capt. Dennis Aguilar.

Larga rin ang mga Fastest Win event sa LPC sa Dis. 21, 24 at 28.
Kontakin para sa iba pang mga impormasyon si Grace 1 sa 8873 1040 at 0929-1800960, Grace 2 sa 0939 1376455, at Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)