P45.8M natuyot ng El Niño sa Cebu

Umaabot sa P45.8 milyon ang naiulat na pinsala ng El Niño sa 32 local government unit (LGU) sa Cebu.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), kasabay ng anunsyo na kabilang sa mga LGU na apektado ng El Niño ang 11 bayan at siyudad na isinailalim na sa state of calamity.

Sa huling pagtataya, P14.19 milyon ang pinsala sa agrikultura, P836,200 sa livestock habang sa marine agriculture naman ay umabot na sa P30 milyon dahil sa matinding dry spell.

Ayon kay Rhee Telen Jr. ng PDRRMO, apektado na ang siyudad ng Carcar, Toledo at Talisay maging ang mga bayan ng Ginatilan, Minglanilla, Samboan, Sogod, Tudela, Dumanjug, Alcoy at Santander. (Vick Aquino)