Ipasisilip ni Sen. Richard Gordon sa Senado ang P4 bilyong dengue immunization program ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Gordon, masasabing ‘midnight deal’ ng DOH ang immunization program dahil hindi man lang ito dumaan sa approval ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
“Last two minutes talaga ‘yun because na-approve ng FDA ng December 2015, by March they were already dispensing,” wika ng senador.
Sinabi pa ni Gordon na minadali ng DOH ang implementasyon ng programa kung saan hindi man lang ipina-blood test ang mga mag-aaral bago binakunahan noong Abril.