Magtataas ang Philippine National Railways (PNR) ng limang piso sa minimum na pasahe sa tren.

Sa abiso ng pamunuan ng PNR sa kanilang website, mag-uumpisa ang dagdag-pasahe sa Hulyo 1 ngayong taon.

Mula sa dating P10, magiging P15 na ang minimum na pasahe sa tren o para sa unang 14 na kilometrong biyahe.

Limang piso rin ang dagdag sa kada kilometro pagkatapos ng 14 kilometers na minimum distance.

Ayon sa PNR, ang taas-pasahe ay gagamitin sa pagsasa-ayos ng kanilang serbisyo.

“To serve you better please be notified that effective July 1, 2017, the Philippine National Railways will increase its fare to a minimum of Php 15.00 (for the 1st 14 km) and additional Php5.00 for every zone travelled,” ayon sa advisory ng PNR.

Ang PNR ay mayroong 18 istasyon na may rutang mula Tutuban sa Maynila hanggang Calamba, Laguna.