Matapos maawa sa karampot na premyo, inabutan ni boxing icon at Sen. Manny Pacquiao ng kalaha­ting milyong piso ang newly-crowned ­International Boxing Federation (IBF) Junior Bantamweight champion ­Jerwin Ancajas.

Naagaw ng 24 anyos na si Ancajas ang korona mula sa Puerto Rican ­boxer na si McJoe Arroyo sa pamamagitan ng unanimous decision matapos ang 12-round title bout na ginanap nitong Sabado ng gabi sa Philippine Navy Gymnasium sa Pasig City.

Si Ancajas, pinakabata sa apat na magkakapatid mula sa Panabo, Davao del Norte, ay naging dominante sa ­laban nito kay Arroyo, kung saan pinahalik pa niya ito sa lona sa ika-8 na round.

Kumita lang ng US$3,700 si Ancajas sa kanyang laban at kapag inawas pa ang US$1,000 na sanction fee ng IBF ay US$2,700 lamang ang maiuuwi ng bagong boxing champ.

Ipinaliwanag naman ni Ancajas na pumayag siyang lumaban kahit maliit lang ang premyo para lang magkaroon ng tsansa sa world title fight.

“Kawawa naman ang liit ng premyo.­ He deserves to get a bonus for bringing honor to our country,” ani Pacquiao kung kaya’t agad na hinagilap si Ancajas.

Nitong Lunes ng hapon ay duma­law si Ancajas sa tanggapan ni P­acquiao kung saan doon inabot ng Pambansang Kamao ang cash bonus.

2 Responses

  1. Aminado ako na isa ka na hindi nagkaroon ng ng mataas na Edukasyon ,, hindi ka naman gaya ng mga nag karoon ng mataas na Edukasyon mas pinili ang mag payaman lang ,, ikaw ang may pinakamataas at may magandang kalooban sa Senado,,