To the rescue ang Palasyo ng Malacañang para magpaliwanag sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nagbayad ng P50 milyon sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) para sa kalayaan ng dinukot na Norwegian national.
Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang P50M ransom na ibinayad sa ASG kapalit ng kalayaan ng Norwegian na si Kjartan Sekkingstad ay hindi galing sa gobyerno.
“I’m not privy to that. But it was, I think it was also raised by third parties, not from the government. Ransom not from the government,” paliwanag ni Abella sa press briefing kahapon.
Matatandaang nadulas si Pangulong Duterte nang banggitin nito sa isang panayam sa Davao City na may nagbayad ng P50M sa bandidong grupo para sa dinukot na si Sekkingstad na pakakawalan pa lamang ng kanyang mga kidnappers.
No ransom policy. Kapag hindi sinunod ng iba, ok lng. What kind of govt do we have? Policy shud cover everyone in the Philippines.