Kinumpiska ng Bureau of Customs-Port of Manila ang P54 milyong halaga ng Korach-conditioned refined sugar na dineklara bilang steel, tex screw, clamp, nails at hardware fittings na nakalagay sa 48 container vans.

Ang mga kargamento ay mula sa Tsina na dumating sa iba’t ibang mga petsa noong Agosto at Setyembre 2019 at naka-consign sa RZTREC at TRACLEF Trading na inalerto noong Nov. 8, 13 at 14, 2019.

Matapos ang pisikal na pagsusuri ng mga container, binabaan ito ng Warrants of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Section 1400 kilala bilang Anti-Agricultural smuggling Act of 2016. (Mina Aquino)