Inaprubahan ng House committee on appropria­tions ang P5 bilyong pondo na ilalaan para sa panukalang departamento ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Nakapaloob ito sa substitute bill kung saan pinagsama-sama ang 39 na panukalang batas para sa OFW department na isa sa mga prayoridad ng administrasyong Duterte.

Nakasaad sa panukala na kukunin sa kasalukuyang budget ang pondong gagamitin para sa inis­yal na implementasyon ng kagawaran para sa mga OFW. (JC Cahinhinan)