P5M nasamsam na mga medical supply ido-donate sa mga COVID hospital

Aabot sa may 5 milyong halaga ng personal protective equipment (PPE) at mga medical supplies ang nasabat ng Bureau of Customs sa Binondo ang ido-donate sa mga COVID-19 hospital.

Ayon kay Customs Commissioner Vincent Philip Maronilla, kasama sa mga nasabat ay mga face masks, gloves, goggles, alcohol, thermal scanners, test tubes at syringes.

Ang lahat ng ito ay kasama sa mga nakumpiska noong Marso 26 . Ang may-ari ng mga kontrabando ay nagbebenta umano sa online ng mga overpriced na medical supply.

“Di namin ia-auction. On the process na kami, have it forfeited and donate,” sabi pa ni Maronilla.