Ikinakasa na ang 10 araw na ‘sabong extravaganza’ na may premyong P5M, ang “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” na sisimulan sa Hunyo 6 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque at inaasahang may 400 entries.

Walong araw ng 3-cock elims na may P100,000 day prize para sa three pointers. Mga bibira ito sa June 6,13, 20 at 27; at sa July 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals ay sa Aug. 1 para sa mga iiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers, at sa Aug. 8 para 3 pts. Naman.

“Smalltime gamefowl breeders get their chance to hit the jackpot with only P11,000 entry fee plus P5,500 minimum bet and also be recognized by bigtime financiers,” pahayag kahapon ni Roligon CEO Dennis Ligon, na siya ring derby host.

Para sa champion handler ang P100,000 at sa gaffer ay P70,000. May trophy rin ang bawat kampeon mula sa sponsors na Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

Sa mga detalye makipag-ugnayan sa Roligon office sa 519-7345, kay Shirley sa 0920-9509090 at Capitan Tiling sa 0926-7134069.(Enjel Manato)