P5M shabu sa lata ng gatas; 5 babae dinampot

Sa kagustuhang makaipon at makaalis sa ibang bansa, luminya sa pagbebenta ng shabu ang tatlong kababaihan maging ang kanilang recruiter at umano’y lider ng isang drug syndicate at 2 pa sa pamamagitan ng pagtatago sa lata ng gatas sa magkahiwalay na drug ope­ration sa Bacoor City City, Cavite.

Kinilala ang naares­tong sina Aisa Juiamalo, 58, umano’y lider ng Drug Syndicate at recruiter; Bainot Saidali, 40, Nasser Makalpal, 38, pawang taga-Bacoor City, Cavite; Baebon Mohammad, 25 at Ramona Punyong , 31.

Sa report ni Police Col. Vicente­ Cabati­ngan, hepe ng Bacoor­ City Municipal­ Police Station (CMPS), nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor CMPS na ikinaaresto ng mga suspek kung saan may kabuuang P5026.280 ang nasamsam sa nasabing operasyon.

Nabatid na ang modus operandi ng mga suspek ay ilagay sa lata ng gatas ang mga droga bago ibaon sa lupa upang maitago at saka lamang ilalabas kung may buyer na ang mga ito. (Gene Adsuara)