Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang ang isyu sa pagkakapuslit sa P6.4 bilyong hala­ga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC).

“Ito namang klase ng mga balitang ito ay hindi naman ito nakakalusot. Everyday naman ay ina-update natin ang ating mahal na Pangulo sa mga pangyayari, lalo na itong isyu na ito may kinalaman sa droga na nakakalusot sa Customs. Pero iyon nga, buti na lang nahuli.

ut then again, medyo ano rin, medyo hindi rin magandang balita, dahil nakalusot, eh papa’no kung hindi nahuli,” paghahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang pana­yam kahapon.

“Ito ay dadaan sa kamay ng ating Pangulo, makakarating ito sa kanya and I’m sure pinag-aralan na ito ni Presidente… Pero this thing is under investigation, sa Senado and also in the Executive, hindi naman ito pababa­yaan lang ng ganoon-ganoon na lang. We will get to the bottom of this,” pahayag ni Andanar sa isang panayam kahapon.

Naging maingat naman ang kalihim nang hingan ng reaksyon patungkol sa isyung pagpapabitiw ng ilang Senador kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Giit ni Andanar na hayaan na lamang na magpaliwanag si Faeldon sa Kongreso.

“I think we should give the Commissioner the bene­fit of the doubt, let’s give him the time and the space that explains him sa Kongreso; tapos na sa Senado, ngayon sa Kongreso naman. Tingnan natin kung ano iyong mga unfolding events na mangyayari ngayong araw na ito and the next few days,” ayon pa kay Andanar.