Malaki ang suspetsa ng isang senador na ang P 6.4 bilyong shabu na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa warehouse sa Valenzuela City noong Mayo 26 ay ‘decoy’ lang upang mailusot ang mas malaking shipment ng shabu mula sa China.
Binanggit ni Sen. Richard Gordon ang posibilidad na ito dahil kaya lang naman nasakote ng BOC ang P6.4 bilyong halaga ng shabu sa dalawang warehouse ng Hongfie sa Valenzuela ay dahil sa natanggap na tip mula sa China.
“Inambunan lang tayo. Malaking-malaki pero talagang mas ‘di hamak na mas malaki iyong nakalusot. Pwede iyon, hindi ba?” wika ni Gordon.
Ganito rin aniya, ang naging testimonya ng broker na si Mark Ruben G. Taguba II sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hulyo 31 nang umpisahan ng komite ang pag-imbestiga sa nasabing shipment ng shabu na nakalusot sa Green Lane ng BOC.
Ang trucking service ni Taguba ang siyang nag-deliver ng shipment ng limang cylinder patungo sa warehouse sa Valenzuela City.
Nakakatiyak umano si Taguba na walang nakatagong shabu shipment sa loob ng cylinder nang ideliber nila ito sa warehouse kung kaya’t nagtataka siya kung bakit nagkaroon ng shabu doon.
Hindi lang nila nakita nuon kasi natakpan ng ‘larawan’ ni “Benjamin Franklin” yung mukha nila kaya hindi naaninag yung Shabu hehehehe