Buking ang iligal na transakyon ng dalawa katao habang mahigit sa P6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang buy bust operation sa parking lot ng isang mall sa Bacoor City, Cavite.
Kinilaka ang mga inarestong sina Jeffrey Garcia Santos, 39, ng Don Carlos Village, Pasay City at Alexander Maulha Said, 28, ng Culiat Tandang Sora, Quezon City .
Sa ulat ni Director II Melvin S Estoque, Acting Regional Director, PDEA Regional Office IV-A at Bacoor Police, ika-11:00 kamakalawa ng umaga nang ikasa ang malakihang drug-bust ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office IVA sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod ng Bacoor.
Isa sa mga PDEA member ang tumayong scorer at nakipagtransaksiyon sa mga suspek. Nang magkasundo, naganap ang drug deal sa parking-an kung saan nakapalibot na dito ang kapulisan bago pa man dumating ang mga suspek.
Pagdating ng mga suspek , agad naganap ang drugdeal at mabilisan ang abutan.
Nang magpostibo ang drugdeal, dito na dinakma ng grupo ang mga suspek at nakumpiska dito ang may 1000 gramo ng shabu na aabot sa halagang Php6,800,000.00. (Gene Adsuara)