Kaysa wala, isinulong ng isang senador ang P600 hanggang P800 dagdag sa pensyon ng miyembro Social Security System (SSS) .
Sa Senate Bill No. 1068 ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, ipinanukala nito na gawing P2,000 ang pensyon mula sa P1,200 ang mga pensioner na may 10 years credited years of service, habang P3,000 mula sa P2,400 ang may 20 years credited years of service.
Pinababa ni Sotto ang umento sa pensyon matapos i-veto ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magkakaloob sana ng P2,000 across the board increase sa SSS pensioners.
“Real pension increases are better than big future increases that cannot be funded,” paliwanag ni Sotto.
Naniniwala ang senador na ngayong maliit na lang ang halagang itataas sa pensyon ng SSS pensioner, hindi na ito magdudulot ng pagkabangkarote ng SSS.
Paki complete ng news report. Paano ang ibang amount ng pensyon? Base sa sentence na ‘habang P3,000 mula sa P2,400 ang may 20 years credited years of service” , hindi malinaw kung across the board ba ang 600 pesos for those receiving 3000 pesos and above or ang minimum pensyon lang ang itataas at hindi na kasama ang ibang mas mataas sa 3000?