Tinalo na ng isa sa 13 nanalo sa single WTA event ang record sa MetroTurf nang mamuhunan lang siya ng P64 at nakapag-uwi ng mahigit­ P1-million.

Naghati-hati sila sa napakalaking WTA pot na resulta ng P4.66-million WTA carryover kaya mahigit P1-million bawat isa ang napanalo nila.

Isang jeepney driver ang namuhunan ng record na P64 at nag-uwi ng P1-million at tinalo niya ang dating nanalo na rin ng mahigit P1-million sa WTA na namuhunan naman ng P96.

Binanggit ng masu­werteng jeepney driver na P62 lang ang nasa bulsa niya nu’ng gabing tumaya siya sa OTB kaya pina-abonohan niya sa teller ‘yung kulang na P2. Panigurado tayo na binalikan niya ‘yung teller at hindi lang P2 ang ibinalik niya dito kundi libong balato naman!

***

Hindi ba’t totoo na ningas-cogon lang itong sinasabing paglilinis ng mga kalsada sa mga naka­balandrang sasakyan at basura?

Dumaan ka uli sa mga kalsadang sinasabi nilang hinawian na ng kalat at makikita mo na nagbalikan uli ang mga basura at kotse. Kaila­ngang ihabilin nila ang pagbabantay ng hinawian nilang kalye sa mga barangay captains na sumasakop dito para meron silang sisisihin kung magbalikan na naman ang mga pasaway!

***

Kumpleto pa rin ang ating mga kaibigan diyan sa Dad’s Kamayan Saisaki Restaurant sa Glorietta, Makati sa pamumuno ni assistant manager Nel Santos.

Kasama ni Nel sina Robert Barlizo, Patrick Pajalla, Carla Guntan, Mary Joy Padaca, Erwin Vasquez, Jonard Garcia, at ang head waiter namin na si Patrick.

Nagkita kami sa birthday celebration ng aking asawang si Cecil at panganay na anak na si Juan Raphael kasama ang dalawa ko pang anak na sina Juan Carlos at Juan Miguel pati na sina Cheng at Rona.