P6B ayuda sa mga magsasaka sinulong ni Loren

Nais ni House De­puty Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na maglaan ng P6 billion supplemental appropriation para sa unconditional cash transfer (UCT) ng mga magsasakang Pinoy.

Ito ay upang mabayaran sila sa pagkalugi o kawalan ng kita sanhi ng matin­ding epekto ng climate change at ng pagbaha sa merkado ng imported rice.
Ayon kay Legarda, dapat umaksyon at maglaan agad ang gobyerno ng naaayong gabay sa sektor ng agrikultura para mabigyan ng proteks­yon ang kapakanan at interes ng mga magsasaka.

“The intensifyin­g effects of climate change and influx of imported rice are few of the reasons for the alarming drop in palay prices,” ani Legarda.

Dahil dito, inihain ni Legarda ang House Bill No. 5734, na nag­lalayong maglaan ng P6 billion supplemental appropriations para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Binigyang-diin pa ni Legarda na 51 local government unit na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa tagtuyot na dulot ng El Niño kung saan aabot ng P7.9 bil­yon na ang halaga ng pinsala sa agrikultura at nasa 247,610 na mga magsasaka ang naapektuhan.
(Lorraine Gamo)