P7.2M kush nasabat ng PDEA sa Ayala Alabang

pdea-ilegal-na-droga

Nasa anim na kilong kush na nagkakahalaga ng mahigit sa P7.2 mil­yong piso ang nakum­piska ng mga tauhan ng National Capital Region (NCR) at Region 3 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang pagsalakay sa isang drug laboratory sa Muntinlupa City noong Linggo nang gabi.

Nadakip naman sa operasyon ang dalawang suspek na na sina Joshua Ramon Prats Jimenez, 34-anyos at Sarah Margarita Panganiban Dominguez, 24, kapwa nakatira sa Agoncillo St., Barangay Ayala Alabang Village ng naturang lungsod.

Nabatid, na ang mga suspek ay pawang “maintainers at itinutu­ring na high-value target (HVT)”.

Ang kush ay isang mataas na uri ng marijuana.

Ayon sa PDEA, nakatanggap silang ng impormasyon na may drug laboratory umano sa loob ng naturang exclusive subdivision at ang drogang ginagawa ng mga ito ay kush.

Dahilan upang magsagawa ng surveillance ang naturang operatiba at nang magpositibo at Linggo nang gabi ay nagkasa sila nang pagsalakay.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200 (drug pushing, pagmamantina ng drug den, manufacture of dangerous drugs, possession of illegal drugs and equipment, drug use and conspiracy to commit the crimes.