P7M hospital bill ng mag-asawang Alvarez sagot ng PhilHealth

Sinagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang hospital bill ng mag-asawang dating Senador Heherson Alvarez at Cecille Guidote-Alvarez na mahigit sa P7 milyon matapos maratay sa Manila Doctors Hospital dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Nabatid na Marso 17 in-admit sa pagamutan ang mag-asawa matapos na magpositibo sa COVID-19.

Pumanaw ang dating senador sa edad na 80 noong Abril 20 habang si Ginang Cecille, 76-anyos, ay unti-unti nang nakakarekober.

Una nang inanunsiyo ng PhilHealth na sasagutin nila ang magagastos sa ospital ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na maa-admit hanggang noong Abril 14.

Noong Abril 15 ay naglabas ng bagong guidelines ang PhilHealth kung saan ay nilimitahan nito ang COVID-19 package rate simula sa nasabing petsa.
Nanawagan rin ang anak ng namayapang senador na si Hex na tulungan sila ng gobyerno para mabayaran ang may P8 milyong ginastos sa pagpapa-ospital ng kanyang mga magulang. (Juliet de Loza-Cudia)