P80M sa solons ‘di raw totoo

Bagama’t itinanggi na mayroong pork barrel sa P3.35 trillion national budget sa 2017 na isinu­mite ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno­ sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari namang humingi ng mga proyekto ang mga mam­babatas kahit magkano pa ang halaga.

Sa press briefing matapos ibigay kina House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez at House appropria­tion committee chairman Karlo Nograles ang libro ng national budget, itinanggi ni Diokno ang mga ulat na may tig-P80 milyon ang bawat kongresista.

“Those are rumors, not true. There’s no PDAF (Priority Development Assistance Funds) in this budget, let’s be clear about that,” ani Diokno subalit inamin nito na maaaring humingi ng projects ang mga mambabatas kasama na ang mga senador para sa kanilang constituent.

Ang tanging gagawin­ lang umano ng mga mambabatas ay puntahan­ ang kanilang mga district engineers para mag-identify ng mga proyekto dahil alam ng mga ito ang pangangailangan ng kanilang mga constituent.

“Example a congressman identify a one hundred million (pesos) pro­jects but they’re not eligible, like basketball court, zero, ‘di ba. But if there’s somebody who identify projects which is worthy, it’s consistent to the desire of the President, to deve­lop the countryside, we would of course consider his request,” ani Diokno.

Sagot ito ni Diokno nang tanungin kung magkano ang maaaring hili­ngin ng isang mambabatas na halaga ng infrastructure projects sa kanyang distrito na makakatulong sa pag-unlad ng kanilang bayan.