P88 dagdag presyo sa kada 1kg LPG

May malaki ring nakaambang na taas-presyo sa Li­quefied Petroleum Gas (LPG) sa Enero 1.

Tinatayang nasa P7 hanggang P8 ang itataas kada kilo ng LPG o dagdag na P77 hanggang P88 sa 11-kilong tangke.

Base naman sa pahayag ng Department of Energy (DOE) hindi pa ito ang dagdag-singil ng excise tax dahil kailangang ubusin pa ang lumang stock ng langis ngayon taon ito.

Kaugnay nito, sa bisperas ng Bagong Taon, may sasalubong sa mga consumer na taas-presyo sa mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Sa Disyembre 31, posibleng tumaas ng P0.80 hanggang P0.90 kasa litro ang taas sa presyo ng gasolina, sa diesel naman ay nasa P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene naman ay tataas din ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro

Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ang oil price ng mga kompanya ng langis.
Ang nakaambang na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)