Namimiligrong katayin ng mga senador ang P900 milyong hinihingi ng Philippine National Police (PNP) upang mapondohan ang implementasyon ng Oplan Double Barrel Reloaded para sa taong 2018.
Bunsod ito ng nakakaalarmang paglobo ng bilang ng napatay ng pulisya sa anti-illegal drugs operations sa mga nakalipas na araw.
Inaasahan na ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na madadamay sa diskusyon ang pondo ng PNP sa pagkamatay ng 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos na napatay ng Caloocan City police sa isinagawang Oplan Galugad noong gabi ng Agosto 16.
“I expect that the review of the events of that fateful night in Caloocan which lead to the death of a young man will be pursued in many fronts,” babala ni Recto.
“Kian’s life was ended so dastardly that it has united the nation in anger and grief. This national pain can only be solved by the truth,” diin pa nito.
Mula sa P111.8 bilyon ngayong taon, humihingi ang PNP ng P131.5 bilyong budget para sa taong 2018, kung saan ang P900 milyon ay gagamitin sa implementasyon ng Oplan Double Barrel Reloaded.