May malaking epek­to sa isinasagawang rehabilitasyon ng gobyerno sa mga lugar na nasalanta ng lindol ang pagtapyas ng P9 bilyon sa disaster fund na nakapaloob sa 2020 national budget.

Sa kopya ng bica­meral conference report na nakuha ng Abante Tonite, na mula sa orihinal na P16.5 bilyon, nagkasundo ang mga miyembro ng Senate at House panel na bigyan lamang ng alokasyon P7.5 bilyon ang Nationa­l Disaster Reduction and Management Fund (NDRMF) sa ilalim ng niratipikahang House Bill No. 4228- General Appropriations Bill na naglalaman ng panukalang P4.1 tril­yong budget sa susunod na taon.

“Delete the amount in words and in figure P16,500,000,000 and lieu thereof insert the amount in words and in figure P7,500,000,000,” ayon sa inamendahang NDRMF fund.

Nasas 58% ang tinapyas sa disaster budget isang linggo bago nangyari ang magnitude 6.9 lindol sa Davao del Sur na pang-apat nang lindol na tumama sa Mindanao sa nakalipas na halos dalawang buwan.

Wala pang paliwanag ang bicam sa P9 bilyong bawas budget ng calamity fund. (JC Cahinhinan)