Isang abogado na padalo sana sa isang hearing­ ang nasawi nang ambusin ng dalawang hindi pa nakikilalang dalawang nakamotorsiklong salarin sa Barangay Poblacion sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang biktimang si Atty. Nicolas Gomez, tubong Davao City at pansamantalang naninira­han at nangungupahan sa Brgy. Poblacion.

Nabatid kay Valencia P/Col. Surki Sereñas na patungo sana sa hearing sa Malaybalay Regional Trial Court (RTC) ang 67-anyos na biktima nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking suspek na sakay ng XRM motorcycle na walang plaka.

Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.