Pa-chess ni Gonzales

Taon-taon ipinaparamdam ni Grandmaster Jayson Gonzales ang diwa ng Pasko sa mga ­woodpusher sa ­pamamagitan ng ­pagsagawa ng chess tournament.

Sa darating na ­Linggo, (Disyembre 22) idaraos ang Florencio Campomanes Memorial Christmas Blitz Chess Tournament sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) sa Mindanao Avenue, Pro­ject 6, Quezon City.

Ayon sa Olympian at national team coach nitong Huwebes, katuwaan ang nasabing torneo upang makapagpasaya ng mga chess player bago sumapit ang Pasko.

Ipatutupad ang 11 rounds Swiss System, 3mins. + 2 seconds ­increment time ­control format, na bukas sa ­lahat ng chess players, may titulo man o wala, anuman ang kasarian at edad.

Ang registration fee ay P200 habang tig-P100 naman para sa Women, Kiddies at ­Seniors woodpushers.

Libre naman ang regis­tration fee para sa mga GM, IM, WGM at WIM.

Makipag-ugnayan kina WFM Michelle Yaon sa 0966 8108 378 at WNM Jemima Valdez sa 0935 6285 388. Limitado lang sa 100 ­players ang torneo. (Elech Dawa)