Napuno ang Araneta Coliseum sa “TNT Boys Listen: The Big Shot Concert” nu’ng Biyernes.
In fairness sa tatlong bagets na produkto ng “Tawag ng Tanghalan Kids”, sinuportahan ng madlang people ang major concert nila sa Big Dome.
“And I Am Telling You” ang opening number ng TNT Boys. Biritera ang paborito naming si Francis Concepcion, mahusay mag-whistle si Keifer at frontliner si Mackie, na sa kanilang tatlo ay parang mauunang magbago ang boses dahil sa pagbibinata.
Sey ni Francis, sila raw ang youngest na nag-concert doon sa Araneta.
Inawit nila ang songs ng music icons nila gaya ng Bee Gees at Queen, tapos ay sinamahan sila ng mga tropa nila sa “Your Face Sounds Familiar Kids”.
Standout sa mga tsikiting si Esang de Torres na lalong gumaling dahil sa training nito sa teatro. Tinutukso nila sina Esang at Mackie. Ha! Ha!
Applauded ang “Bang Bang” prod ng tatlong bagets na Jessie J si Mackie, Ariana Grande si Keifer at Nicki Minaj si Francis.
Girl na girl ang tatlo at feel na feel nila ‘yung number nila na ‘yon. Ang cute!
“Enjoy na enjoy kayo sa part na ‘to!” kantiyaw sa kanila ng guest nilang si K Brosas.
Hirit pa ni K sa naka-gold dress at big, kulot hair na si Francis, ‘yun na raw ang suot nito sa buong show.
Game na sagot ng nakakaaliw na bagets, “Sure, no problem!”
Nakipagkantahan ang TNT Boys sa coach nilang si Jed Madela. Birit-biritan ang kanilang number, pero hindi gaanong payanig at hindi makalaglag-baga.
Nag-sing and dance sila ala-K-pop, na feel na feel din ng tatlo. Si Mackie ang pinakamagaling humataw ng sayaw sa 3 boys.
Ang ganda nu’ng “Halo” number na nagsindi ng pailaw at glow sticks ang Araneta audience.
Vice naaliw na type magingprinsesa, prinsipe ni Francis
After ng “A Million Dreams” number from “The Greatest Showman” ay umentra ang special guest ng TNT Boys na si Vice Ganda.
Promong-promo ng 2018 MMFF movie ni Vice na “Fantastica” ang participation nito sa concert ng mga bagets.
Nagpasalamat ang tatlo kay Vice kung hindi raw dito ay wala ang TNT Boys. Ani Vice, nakalaan na talaga at nakasulat sa bituin ang kapalaran na ‘yon ng tatlo. Pinaalalahanan nito ang boys na laging maging humble.
Nang tanungin ni Vice kung gusto ng mga ito na maging prinsipe o prinsesa, ang sagot ni Francis ay, “Puwede both?” na ikinaaliw ni Vice.
Hirit ng gay comedian-TV host, nakakapagod maging prinsipe. Hanap nang hanap ng kaharian para matagpuan ang prinsesa. Mas masarap daw maging prinsesa.
Sabat ni Francis, “‘Yung mga prinsipe ang hahabol sa ‘yo!”
Natatawang reaksyon ni Vice, “Naku, eto talaga ang papalit kay Chokoleit!” tapos ay nagtawanan ang tatlong bagets.
Sobrang proud daw ni Vice na ang babata pa ng mga ito ay nakapag-Araneta na.
“Sino bang gustong pumalit sa akin sa kaharian ko?” tanong ulit ni Vice, na ang bilis nagtaas ng kamay ni Francis.
Amimado ang TNT Boys na manang-mana sila kay Vice at idol na idol nila ito.
Tapos ay kumanta sila with Vice ng “I Can” (theme song ng “Do Re Mi” movie dati nina Donna, Regine & Mikee) habang may mga circus performer sa entablado, na promong-promo talaga ng “Fantastica”, kulang na lang ay lumabas ang co-stars ni Vice sa movie.
Kumanta ng Christmas songs ang tatlo, then sa “Flashlight” ay naiyak sila dahil ang ganda nu’ng pailaw ng audience sa Big Dome. Ang cute ng tatlo na habang nag-i-spiels ay mangiyak-ngiyak.
Nang kantahin nila ang signature song nilang “Listen” ay cry ulit ang mga bagets, pero nagawa pa rin nilang bumirit sa matat
as na nota.
Mala-variety show ang pagkakadirek ni Direk Bobet Vidanes (ng “It’s Showtime”) sa Araneta concert ng TNT Boys, pero na-enjoy naman ito ng target audience nito.