Pagkatapos ng Undas, siguradong dagsa na naman ang mga pasahero at motorista sa kalsada.
Pagkatapos dalawin sa puntod ang yumaong mahal sa buhay, na sinabayan na rin ng pamamasyal at tsikahan sa tila reunion sa mga kaanak ay back to normal na ulit ang buhay.
Dahil sa sabay-sabay ang pasok sa eskuwela’t trabaho, ‘di malayong buhol-buhol na naman ang daloy ng trapiko.
Para iwas-sakuna at matiyak ang maayos at ligtas na biyahe, narito ang ilang tips.
Sa mga magmamaneho ng pampublikong sasakyan o pribado man, tiyaking kondisyon ang kalusugan, nakakain at nakatulog nang sapat at walang espiritu ng alak.
Maging disiplinado at defensive driver. Importanteng sundin ang batas trapiko.
Bumiyahe nang mas maaga o tantiyahing ‘di masasabayan ang dagsa ng iba pang motorista para maayos at tuloy-tuloy ang biyahe.
Bago umarangkada sa kalsada, tiyaking maayos ang kondisyon ng ibibiyaheng sasakyan.
Magbaon ng pagkain at inumin, first aid kit – in case of emergency.
Alamin kung saan at kanino hihingi ng saklolo. Tandaan ang national emergency hotline.
Sakaling mapasabak sa teribleng trapik, maging kalmado at huwag pairalin ang init ng ulo.
Hingin lagi ang gabay ng Maykapal para sa ligtas na paglalakbay.