Paalam mahal ko: Helper humugot bago nag-suicide

“PAALAM mahal ko.”

Ito ang madamdaming hugot sa iniwang suicide note ng isang 24-anyos na helper na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa Barangay San Jose, San Mariano, Isabela noong Sabado.

Ayon sa San Mariano Police Station (SMPS), bago nadiskubre ang bangkay ng biktima, naiulat na naging matamlay na ito matapos iwan ng kanyang ka live-in partner.

Hanggang sa noong Sabado ng gabi, nakita na lang na nakabitin ang katawan ng biktima gamit ang alambre na ipinulupot nito sa kayang leeg at itinali sa bubong ng bahay.

Sinasabing nakaranas ng matinding depresyon ang nasabing helper nang kalasan ito at tuluyang talikuran ng kanyang kasintahan. (Allan Bergonia)