Sumakabilang-buhay na sa edad na 88 ang National Artist na si Francisco T. Mañosa, na kinilala bilang ‘Father of Philippine Neo-vernacular Architecture’ bunsod ng dinaranas na sakit.

Naulila nito ang kabiyak na si Denise at mga anak na sina Bambi, Dino at Gelo.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pakikiramay ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pagyao ng pamosong national ar­tist kung saan nakatakda silang magsagawa ng tribute/necrological service bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bo­nifacio, Taguig City.

Sa kasalukuyan ay nakaburol ang mga labi ni Mañosa sa Heritage Memorial Park.

Magugunitang ang pagbuo sa Coconut Palace ang naging daan para bansagan si Mañosa na ‘Father of Philippine Neo-vernacular Architecture’ kung saan itinaguyod nito ang Filipino architecture sa loob ng 40 taon.

Kabilang sa mga hindi malilimutang likha ni Mañosa ay ang Coconut Palace, EDSA Shrine, Davao Pearl Farm at Amanpulo resorts.

Noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagawaran ang arkitekto ng National Artist Award.