HAVEY: Isang malungkot na balita ang bumungad sa amin kahapon paggising namin.
Pumanaw na si Tito Alfie Lorenzo nang 2:12 AM sa San Juan de Dios Hospital dahil sa cardiac arrest.
Ilang beses siyang sinubukang i-revive pero sadyang bumigay na ang kanyang katawan.
Kasama niya ang kanyang assistant at nurse na si Pedro.
Sumunod na ang paglabas ng statement ng kanyang pinakamalapit na alaga na si Judy Ann Santos:
“It is with deep sadness that we pray for our dear Tito Alfie Lorenzo who has joined our Creator at 2:12 this morning.
“We are just coordinating the wake details with the family as we would want to be faithful to his last requests.
“We shall keep you posted. Thank you for your understanding and being one with us in this time of grief.”
Medyo natagalan bago naging opisyal ang pahayag ni Juday dahil kailangan niyang makipag-coordinate sa mga kaanak ni Tito Alfie.
Kilala natin si Tito Alfie na hindi nag-attend ng mga burol dahil bilin niya sa amin na kapag yumao na siya, i-cremate na agad at ilibing.
Ngunit maiintindihan natin ang pamilya nito kung gusto nila to pay respects to their dearly departed.
Kaya’t nagkaroon ng viewing at misa kagabi at 8:00 PM sa Faith Chapel sa Arlington sa Araneta Avenue, QC.
Nakatakdang dalhin ang labi ni Tito Alfie sa Pampanga pagkatapos ng seremonya ngayon.
In-offer din ni Juday na ilibing si Tito Alfie sa pinaglibingan ni Nanay Binay niya para maalagaan at mas madalas niyang mabisita ito pero as of presstime, aayusin at pagdedesiyunan pa rin ito.

Nakakamangha na kahit hindi na officially si Tito Alfie ang manager ni Juday ay siya at ang Kuya niyang si Jeffrey (na unang naging talent ni Tito Alfie) ang sa huli’t huli ay nag-asikaso at nag-alaga sa kanya.
May God bless these souls who know how to give thanks and show gratitude.
Marami kaming pinagsamahan ni Tito Alfie at ‘yung magagandang mga pakikitungo niya sa akin ang aking maaalala. Huli kaming nagkita noong presscon nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa Solaire noong February at naging mabait siya sa akin.
SALAMAT, TITO ALFIE at muli, mula sa pamilya natin sa Abante Tonite, OUR SINCERE CONDOLENCES!!!
***
WALEY: As of presstime ay tuloy pa rin ang dapat na story conference ni Juday with Angelica Panganiban para sa pelikula nilang Ang Dalawang Mrs. Rodriguez to be directed by Jun Lana for Idea First Company, Quantum Films and Star Cinema.
Magandang pagsasanib-puwersa ito at pagsasama ng mga artistang kilala sa kahusayan sa drama at comedy.
Parang alam na namin kung sino ang iba pang cast pero abangan natin ‘yan sa storycon mamaya.
The real trouper that she is, Juday will be gracing the storycon for her comeback movie (after last year’s Cinemalaya) dahil matagal nang na-set ito.
A good person like her must be truly blessed!
***
WEHHHHH: Sa pagyao ni Tito Alfie Lorenzo, magsasama na ulit ang Abante Troika sa kabilang buhay.
Makakasama na niya sina Tito Billy Balbastro at Tito Oskee Salazar.
The word TROIKA will go down the grave with these 3 entertainment icons who made their own marks in the business.
Mananatili natin silang elders kahit na may sari-sarili tayong estilo at kamada sa buhay.
As it is the passing on of the TROIKA, napag-usapan namin ang pagiging MILLENNIAL TRIO ng aking travel buddies na sina Allan Diones at Gorgy Rula.
May suggestion tuloy na pangalanan kaming MILLENNIAL TRIPtych courtesy of our editor Jerry Olea.
Coming from D FRIENDS of Sharon (Noel), Cherie (Allan) and Dina (Gorgy), may nagsabi ring TRIPLETS sana, at ako raw si Manilyn Reynes, si Allan si Sheryl Cruz at si Gorgy si Tina Paner with special participation ni Nanay Lolit Solis as Daisy Romualdez.
Pero ang gusto ni Allan ay ang title na MILLENNIAL TRIFECTA meaning “a perfect group of three”! Sabi niya, “Gandarah, debah?!”
Ba’t di na lang daw TRIPLES IMPAKTA sabi ni Sol Gorgonio Rula.
Baka naman magalit ang orig na IMPAKTITA na si Jean Garsya.
So, ano dapat na itawag sa aming MILLENNIAL TRIUMVIRATE?
We are open to your suggestions.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
RIP po Sir.
Millennial talaga.? Eh ang tatanda nyo na kaya!
Ang Dalawang Mrs. Rodriguez patterned after Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA starring dingdong dantes, lovi poe at maricel soriano.
Dadalaw ba sa burol ang mga naging Jowa niya?
gago