‘Paandar’ ni LeBron inalala ni Curry

KALAHATING minuto sa overtime ng Game 1 ng 2018 NBA Finals, sa Golden State Warriors ang bola habang pinoprotektahan ang 11-point lead laban sa Cleveland Cavaliers.

Paubos ang shot clock, umatake sa basket si Stephen Curry pero mula kung saan ay sumulpot si LeBron James para butatain ang tira.

Pagkatapos nu’n ay may stare-down si LeBron, hinilamusan pa ng trash talks si Curry.

Kelan lang, sa kanyang podcast ay ipinaalala ni Bill Simmons ang insidente kay Curry.

“I was hot because I was trying to finish out a possession, I think it was less than a minute left, I didn’t see him coming over from the weak side so I tried to do a little soft scoop layup and he pinned it. Then he stared me down and he said something to me,” ani Curry.

Nagulat daw ang Warriors superstar.

“I was like, ‘That’s what we’re really on right now? We’re about to win and you’re worried about mean-blocking my shot and talking trash?’” balik-tanaw niya.

Nang magkainitan sina Tristan Thompson at Draymon Green ay natigil ang laro kaya nilapitan ni Curry si LeBron.

Sumagot daw si James na kailangan niyang gawin ‘yun para igiit sa teammates na siya ang mentor nila, bahagi ng kanyang leadership.

“I don’t want to be the sacrificial lamb for your leadership,” buwelta raw ni Curry.

Matindi ang karibalan sa court ng dalawang stars pero naroon pa rin ang respeto, ayon na rin kay Curry.

Matagal-tagal pa bago muling makita ang head-to-head nina Curry at LeBron lalo ngayong suspendido ang NBA dahil sa coronavirus at wala pang kasiguruhan kung kailan itutuloy.

No. 1 sa West ang Lakers ni LeBron sa 49-14, sigurado nang papunta sa playoffs. Hindi sila magkikita ni Curry sa postseason dahil nangungulelat ang Warriors sa 15-50. (VE)