Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magluwal ng pera para gumanda. Bukod sa pag-inom ng mga slimming pills, pagpapa-cosmetic surgery, surgical slimming o liposuction ay marami ring ibang paraan para maging mas malusog, maganda at ma-achieve ang kartada diyes.
Ilan sa mga ito ay:
* Pag-inom ng 8 basong tubig o higit pa araw-araw para manatiling malambot ang skin.
* Healthy eating. Be sure na kumain ng tama at masustansya gaya ng prutas at gulay.
* Beauty sleep. Kailangang makatulog ng 7 o 8 oras araw-araw para iwas din sa eye bags.
* ‘Wag magpapabilad nang sobra sa araw para ‘di magkurduroy ang skin, iwas freckles at skin cancer dahil sa UV light.
* Umiwas sa usok at alikabok. Kung ‘di maiiwasan dahil sa teribleng polusyon sa atin ay takpan ang bibig o gumamit ng facial mask.
* Iwas sa sigarilyo at alak. Ang paninigarilyo tulad ng usok, ay nakatatanda sa ating mukha. Ang alak naman gaya nang pagbibilad sa araw ay nakakapagpakulubot din ng balat.
* Healthy living. Wag magpapa-stress. Mag-exercise. Magkaroon ng libangan. Maging abala sa magandang gawain, maging mabuti sa kapwa at ‘wag kakaligtaang magpasalamat sa Maykapal.
Credit: Doc Willie Ong