Hindi maigalaw na leeg? Stiff neck iyan o pananakit ng leeg na tiyak na naipitan ng ugat o nangalay ang leeg. Nakakabalisa kapag may nararamdaman na hindi maganda ang isang tao lalo na kung ang katawan niya ay apektado.
Sa una ay hindi mo napapansin ang pangangalay ng leeg ngunit hindi ito dapat ipinagbabalewala dahil ito ay leeg na malapit sa ulo at puso. Upang maiwasan ang pananakit, sundin ang mga nararapat na hakbang upang makaiwas sa stiff neck:
1. Panatilihing tama ang postura (posture) sa pagtindig, sa pag-upo at sa paghiga.
2. Regular na mag-ehersisyo.
3. Gumamit ng unan na may tamang taas kapag matutulog.
4. Siguraduhing nakahiga nang maayos na pahilata kapag matutulog. At hangga’t maaari, umiwas na matulog na nakaupo.
5. Iwasan ang maling paraan ng pag-upo o ang mala-kuba na posisyon.
6. Ilagay sa tamang lebel ang telebisyon o computer. Dapat ay kapantay lamang ito ng mata.
7. Siguraduhing nasa tamang ayos ang backpack na dala.
8. Isaayos din ang upuan ng mga sasakyang behikulo.
9. Kung pupulot ng mabigat na bagay mula sa sahig, balukturin ang tuhod imbes na likod.
10. Magkaroon ng sapat na pahinga.
11. Umiwas sa stress.