Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga napapatay nating kababayan dahil sa maigting na kampanya kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte.

Wala tayong pagtutol sa magandang hangarin ng gobyernong Duterte na mawalis ang mga sangkot sa aktibidad ng iligal na droga sa bansa o maging drug-free ang Pilipinas.

Pero ang hindi lamang katanggap-tanggap ay ang pagpatay sa ilang indibidwal na wala namang kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga.

Isang halimbawa rito ay ang nagbabakasyong overseas Filipino worker(OFW) mula sa Saudi Arabia na taga-Cavite na si Mark Culata.

Lumalabas sa CCTV footage na inaresto ng mga nag-iinspeksyong mga kagawad ng pulisya ang OFW na bibili lamang ng burger.

Kalaunan ay  isinakay na ito sa mobile na may convoy. Kinabukasan ay natagpuang wala nang buhay si Culata na hindi na makilala dahil sa mga tama ng bala sa mukha at ilang bahagi ng katawan bukod pa sa binalutan ito ng masking tape at may naka­kabit na karatula na ako ay pusher.

Para kumpleto ang props at tumibay na isa itong sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ay may itinabi sa bangkay nitong droga, paraphernalia at baril bagay na hindi matanggap ng kanyang mga kaanak, lalo na’t may kuha sa CCTV na mga alagad ng batas ang huling kasama ng OFW bago ito natagpuang patay.

Ang sa amin, ang kasong ito ay malinaw na halimbawa ng EJK sa bansa.

Ang tanong sasagutin ba ng Pangulo ang mga pulis sa likod ng krimeng ito? Hindi ba’t  paulit-ulit na nagbibitaw ng pahayag ang Pangulo sa mga awtoridad na sundin lamang siya sa kanyang isinusulong na kampanya kontra iligal na droga at siya na ang bahala?

Lumalakas kasi ang loob ng mga awtoridad na pumatay dahil sa matatapang na pahayag ng Pangulo kaya sana ay maging klaro sa mga tagapagpatupad ng batas na hindi porke may nahuli silang mga sangkot sa iligal na droga ay maaari na nilang patayin.

2 Responses

    1. ikaw na putang ina mo, sa inyong lahi galling ang mga droga kung hindi pa nmin alam at kaya masaya kayo dahil ibang tao ang tumanggap ng kamatayan na dapat sana ay sa inyo, mga terorista!!!