Paano magpalit ng pangalan

Attorney,

Itatanong ko lang ko po kung paano po magpalit ng pangalan po? Kasi may kapangalan po ako dito sa amin tapos kaapelyido ko pa. Tapos ang dami po n’ya kaso.

Sabi ng papa ko po kamag-anak pa daw namin `yun. Nakakahiya lang po kasi pati pangalan kong pinakaiingatan ko dahil sa kanya e napapahamak po. Sana po matulungan ny’ po ako attorney. Please.

Marami pong salamat sa pagsagot n’yo po nito.

At God Bless po,

Kath

Ms. Kath,

May paraan naman na ang pangalan mo ay mabago. Ito ay pinapayagan ng batas at ito ay maaaring gawin ng hindi na dumudulog sa korte kundi sa Local Civil Registrar lamang kung saan ka nag-file ng Petition for Change of Name.

Ayon sa RA 9048 ang mga valid reason na maaari mong magamit para mabago ang pangalan mo ay ang mga sumusunod:

(1) The petitioner finds the first name or nickname to be ridiculous, tainted with dishonor or extremely difficult to write or pronounce;

(2) The new first name or nickname has been habitually and continuously used by the petitioner and he has been publicly known by that first name or nickname in the community; or,

(3) The change will avoid confusion.

Ang sitwasyon mo ay papasa sa paragraph 3 kung saan nais mong baguhin ang first name mo dahil sa may kapangalan ka na mayroong iba’t ibang kaso at nadadamay ka sa pag-aakalang ikaw at ang kapangalan mo ay iisa. Ipakita lamang sa iyong petition ang mga ebidensya na ang kapangalan mo na ito ay maraming kaso at nagiging dahilan ito ng pagkasira ng reputasyon.

Kakailanganin mo ring isumite ang mga sumusunod:

a. Clearance from authorities such as clearance from employer, if employed; the National Bureau of Investigation; the Philippine National Police; and other clearances as may be required by the concerned C/MCR.

b. Proof of Publication. An affidavit of publication from the publisher and copy of the newspaper clippings should be attached.

Kakailanganin mo na mag-file ng Petition sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang iyong kapanganakan o kung ikaw ay malayo sa nasabing lugar ay maaari kang mag-file sa Local Civil Registrar kung saan ka nakatira o malapit.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245/514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.