julius-segovia

Ika nga ng kasabihan, ‘manakawan ka na, huwag lang masunugan’. Talaga namang nakapanlulumo ang masunugan. Ilang beses na rin akong naging saksi ng aktuwal na sunog noong field reporter pa ako.

Dama ko ang pighati ng mga pamil­yang naapektuhan. Higit lalo ang mga pamil­yang nalagasan ng miyembro dahil sa sunog.

Hindi naman nagkukulang sa pagbibigay paalala at babala ang mga awtoridad para makaiwas sa sunog. Katunayan, ngayong Marso muli nating ginugunita ang Fire Prevention Month. Nagbabahay-bahay na ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection at mga lokal na pamahalaan para muling pagsabihan ang bawat komunidad.

Sa totoo lang, hindi na tayo kailangan pang paalalahanan. Dapat res­ponsable na tayo sa kilos at galaw natin.

Faulty electrical wi­ring pa rin ang nangu­ngunang sanhi ng sunog. Kaya panatilihing maayos ang koneksyon at kable ng mga electrical appliance. Agad palitan kung may sira.

Iwasan ang pag-overload sa mga extension cord at wall socket.

Huwag maninigaril­yo sa kama o sofa lalo na kung lasing o nakainom. Ugaliin ding patayin ang upos ng yosi bago ilagay sa ash tray. Huwag itong itapon kung saan-saan.

Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaaring pagmulan ng sunog. Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng bata.

Kung walang kur­yente at nakadepende sa kandila, patayin ang sindi nito bago matulog.

Huwag magtago ng flammable materials gaya ng gasolina at pintura sa inyong bahay.

Huwag iwanan ang niluluto lalo na kung may mantika sa kawali. Sakaling magliyab dahil napabayaan, huwag itong buhusan ng tubig dahil lalong lalaki ang apoy. sa halip, takpan ito ng basang basahan o towel.

Tiyakin ding inalis o tinanggal sa outlet ang electric plug ng mga appliance pagkatapos gamitin.

Regular ding i-check ang gas hose ng inyong LPG. Agad palitan kung may leak o sira.

Mahalagang may fire extinguisher sa loob ng bahay.

Ang sa akin lang – alam kong mahirap gawin, pero hangga’t maaari huwag mataranta sakaling makaranas ng sunog. Higit sa mga materyal na bagay, importanteng mailigtas muna ang buhay ng buong pamilya. Maging responsable rin para makaiwas sa sunog.